message shared by Joel Osteen. He often reminds us that each day is a fresh opportunity filled with potential and blessings

Your Best Life Now ang pamagat ng bestseller ni Joel Osteen, isang megachurch pastor.

Your Best Life Now ang pamagat ng bestseller ni Joel Osteen, isang megachurch pastor. Napaka-influential ng librong ito, na milyon-milyong kopya na ang naibenta around the world. There’s a good chance na nabasa mo na rin at, kagaya namin, marami ring natutuhan. Para kay Osteen, ang susi para maisakatuparan ang iyong “best life now” ay God’s favor.

“Favor” ang ginagamit ni Osteen para ipaliwanag ang everyday miracles sa buhay. Ito ’yung mga bagay na hindi naman inaasahan o hindi karaniwang nangyayari, but because we confess it every day, nagkakaroon ng breakthrough sa buhay natin.

For Osteen: “When you live favor-minded, you’ll begin to see God’s goodness in the everyday, ordinary details…. You may be stuck in traffic. The lane next to you is moving well, but you just can’t get over there. Then, suddenly, for no apparent reason, somebody slows down and waves you in. That’s the favor of

Sa kanyang libro, maraming kuwento si Osteen para ma-encourage ang readers na maging “favor-minded.” Sa Chapter 6, halimbawa, ikinuwento niya ang isang moment sa eroplano na bigla siyang pinalipat mula sa economy papunta sa first class ng flight attendant. Hindi niya ito inaasahan, pero alam niyang favor ito ng Lord. Paliwanag niya: “I knew that it was my heavenly Father giving me preferential treatment. I knew it was the favor of God causing me to stand out above the rest.”

We’re sure na marami sa atin ang nakaka-relate sa mensahe ni Osteen at sa kanyang mga kuwento. Sa churches natin, marami tayong testimonies na parang ganyan. Maliit man o malaki, game na game tayong i-testify ang kabutihan — o favor — ni Lord. ’Yung iba nga, 30 minutes na, hindi pa tapos ang kuwento.

Gusto rin natin ang ganitong testimonies, lalo sa small groups, kasi powerful narratives ang mga ito to encourage other believers na, sila rin, puwede rin makaranas ng favor ng Lord. Malaki rin ang tulong ng pakikinig at pag-share ng testimonies sa pagpapalalim ng commitment ng isang Christian.

One part of the story

Although maraming nakaka-relate sa encouraging message ni Osteen, many others have also criticized him. Sinasabi ng ibang pastors at theologians, halimbawa, na mababaw ang understanding ni Osteen pagdating sa divine grace. Sinasabi rin ng iba na, para kay Osteen, “source of uplifting stories” lang ang Bible at si Jesus is no more than a “self-help guru” na matutulungan tayo “to overcome negative emotions.”

While we understand ’yung pinanggagalingan ng criticisms na ito, sa tingin namin hindi rin helpful na i-reject wholesale ang convictions ng maraming Christians who are drawn to Osteen’s message. Kasama na rin dito ang iba pang katuruan that focus on victory and personal breakthroughs.

Collectively, puwede nating i-categorize ang mga ito under the prosperity gospel.

Para kay Russell Johnson, isang theologian, “We can read Osteen best if we read him as telling only one part of the story.” The point that he makes is that divine blessing is indeed found in the Bible. At the same time, na-encounter din niya sa kanyang research ang Christians na nakakilala kay Kristo sa pamamagitan ng mga katuruan ni Osteen. He has thus concluded that the most effective way to engage the prosperity gospel is by first acknowledging its merits. Pagkatapos, we should also say that there’s so much more beyond it.

Activating one’s faith

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*